HERMOSA, GRAND WINNER SA BEST ON-SITE PROMOTION BOOTH SA TUKLAS BATAAN EXPO 2026!
Malugod ko pong binabati ang ating Tourism Office, sa pangunguna ni Ms. Bea Lim, sa pagkakamit ng ating bayan ng Best On-Site Promotion Booth sa Tuklas Bataan: The Bataan Tourism Expo 2026, na ginanap sa SM City Bataan.
Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at pagmamahal sa ating bayan, gayundin sa patuloy nating pagsusulong at pagpapalaganap ng ating turismo, kultura, at mga natatanging yaman ng Hermosa.
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong, nakiisa, at naging bahagi ng proyektong ito. Ang tagumpay na ito ay tagumpay ng buong Hermosa!
Taos-puso rin po akong nagpapasalamat sa mga nakasama natin sa ating booth; Binibining Hermosa 2026 Fiona Samaniego, Mr. Homeland Philippines Masters of the World 2026 Cholo Tiong, at Mister Tourism World Philippines 2026–Bataan Darcy Salenga, gayundin sa lahat ng performers na buong husay na nagtanghal at nagbigay-buhay sa ating booth at sa mga kuwento ng ating bayan.
Mabuhay ang turismo ng Hermosa! Sama-sama tayong patuloy na lilipad at ipagmamalaki ang ganda, kultura, at yaman ng ating bayan.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19hRGfHhyC/







