Skip to main content

Hermosa Christmas Lighting Ceremony 2023

December 07, 2023 – Hermosa, Bataan
Tuwing sasapit and Disyembre, nakagawian na nating mga Pilipino ang pagpapailaw ng mga dekorasyon upang mas lalo nating madama ang pasko. Kaya naman pinangunahan ng inyong lingkod ang seremonya ng pagbubukas ng mga pailaw sa ating Hermosa Municipal Plaza.
Dinaluhan ito nina 1st District Board Member, Tony Roman, Mayora Anne Inton, Vice Mayor Patrick S. Rellosa, SB Members, Rev. Fr. Ernesto De Leon, Bb. Hermosa 2023, Pauline Rodriguez, Brgy. Officials, Dept. Heads at mga kawani ng LGU Hermosa.
Binigyan din tayo ng napakagandang awitin na nagmula sa Queen of Teleserye Theme Song, Angeline Quinto.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa