
Hermosa, Binisita ng Pilgim Relics of St. Therese of the Child Jesus
January 18, 2023 – St. John Paul II Parish, Hermosa, Bataan
Hermosa, Binisita ng Pilgim Relics of St. Therese of the Child Jesus!
Nagkaroon ng Banal na Misa para sa huling araw ng Pamamalagi ng Pilgrim Relics ni St. Therese of the Child Jesus dito sa Shrine and Parish of St. John Paul II sa Bayan ng Hermosa.
Ang banal na misa ay pinangunahan ni Fr. Ernesto De Leon kasama ang Parish Priest ng St.John Paul II na si Fr. Tony Sibug, Fr. Tony Quintos, Fr. Raymund Gutang at iba pang mga Pari sa Bayan at sa ibat ibang simbahan sa Bataan, kasama din ang National Commitee na silang nanguna sa pagdala ng sacred relics ni St. Therese.
Kaisa sa naturang misa sina Governor Joet Garcia, Mayora Anne Inton, Konsehala Luz Jorge Samaniego, Konsehal Lou Narciso at Konsehal Boyet Yandoc at ang mga mananampalataya at deboto ng St. Therese of the Child Jesus.
Tunay na napakapalad ng ating Bayan!
Maraming Maraming Salamat Po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️