HERMOSA 2ND PLACE SA TANGHAL NG KAGITINGAN!
April 7, 2026 – Balanga City, Bataan
Congratulations po sa ating bayan ng Hermosa sa pagkakamit ng ikalawang gantimpala at tumanggap ng 60,000 pesos sa Tanghal ng Kagitingan na ginanap sa Bataan People’s Center. Pinangunahan ito ng ating mga talentadong kabataan na buong husay na ipinamalas ang diwa ng kagitingan at kabayanihan bilang paggunita sa ika-84 na pagdiriwang sa Araw ng Kagitingan.
Nagwagi rin ang Hermosa sa Bataan Through Time: Photography Collection Competition kung saan nakuha nito ang ikatlong puwesto, tampok ang mga nostalgic na larawan mula sa mahahalagang kaganapan sa ating bayan.
Kasama ng mga kabataang Hermoseño sa pagtanggap ng parangal sina Konsehal Jason Enriquez, SK Federation President Kim Buco, at Municipal Tourism Officer Bea Lim.
Muli, pagbati sa ating bayan. Patuloy na namamayagpag ang Hermosa sa iba’t ibang patimpalak, lalo na sa larangan ng turismo at kultura.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA! #LipadHermosa #1Bataan
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1ENq8W2WhV/









