Healthy Paaralan para sa Malusog at Matatag na Kabataan Inilunsad na
September 18, 2023 – Hermosa, Bataan
Ngayong araw, personal na dinaluhan ng inyong lingkod ang paglulunsad ng Healthy Paaralan sa Culis Elementary School, ito ay sa ilalim ng programa ng ating butihing Gov. Joet Garcia.
Kasabay nito nagbigay ng kagamitang pang sports sa tulong ng Pusong Pinoy Partylist Rep. Cong. Jett Nisay, at pagbubukas ng kanilang taniman ng gulay sa paaralan.
Ang layunin ng programang ito ay hindi lamang para mapabuti ang kalusugan ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ang kanilang pag-aaral at pangkalahatang pag-unlad.
Nakasama natin sina Committee Chairman on Health Konsehala Luz Samaniego kasama ang Sangguniang Bayan members, Municipal Health Officer Dr. Jose Bismarck Abad, Municipal Agriculture OIC Vincent Mangulabnan, District Supervisor Ronie Mendoza, SPTA President Abijohn Manalo, School Principal Emely Agustin, at Kap. Frederic Bernal.
Laging tandaan, kumain ng masusustansyang pagkain at magkaroon ng sapat na pahinga. Ito’y isang mahusay na hakbang tungo sa mas malusog na henerasyon.
Maraming salamat po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️