Healthy Hermosa: “Healthy Kids, Healthy Pilipinas” inilunsad sa Hermosa
November 8, 2024 – Hermosa, Bataan
Bilang paggunita ng National Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre, naglunsad ang ating Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, sa pangunguna ng Municipal Social Welfare Development Office katuwang ang Municipal Council for the Protection of Children at Municipal Health Office, ng “Orientation on Healthy Kids: Healthy Pilipinas” sa temang “Pigilan ang Paglaganap. Iwaksi ang karahasan Protektahan ang mga bata. Gawing ligtas ang bansang Pilipinas,” na ginanap sa Peninsula de Bataan sa Bayan ng Orani.
Ito ay dinaluhan ng 155 magulang ng mga mag-aaral ng Daycare sa ating bayan, kung saan sila ay binigyang kaalaman patungkol sa kahalagahan ng pagbabakuna upang matugunan at maagapan ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Ito ay pinangasiwaan ng ating Nutrition Program Coordinator na si Nurse Kathleen Tungol, RN; Municipal Epidemiologic and Surveillance Unit (MESU) Nurse na si Nurse Marianne Mañago, RN; at Resident Pharmacist na si Bb. Janella Saguibo, RPh.
Maraming salamat sa mga kawani at opisyal, maging sa ating Bagong Team Lipad na patuloy at aktibong sumusuporta sa kapakanan ng mga Batang Hermoseño.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1YdH1givxE/