Skip to main content

HEALTH ADVISORY | Paghahanda sa El Niño

June 29, 2026 | Hermosa, Bataan

Patuloy na hinihikayat ng ating Bayan, sa tulong at suporta ni Mayor Anne Adorable-Inton at ng Hermosa RHU, na maging handa ang bawat pamilyang Hermoseño sa mga epekto ng El Niño, lalo na sa matinding init ng panahon na maaaring magdulot ng iba’t ibang panganib sa kalusugan.

Kabilang sa mga maaaring maranasan ay ang heat stroke, heat exhaustion, dehydration, at paglala ng mga kasalukuyang karamdaman. Ugaliing uminom ng sapat na tubig, magsuot ng magagaan at preskong damit, at iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw lalo na mula 10:00 AM hanggang 4:00 PM.

Mahalaga rin ang paghahanda ng Go Bag na naglalaman ng inuming tubig, pagkain, personal na gamot, first aid kit, flashlight, power bank, at mahahalagang dokumento upang maging handa sa anumang emerhensiya.

Ang pagiging maagap at handa ay mahalagang hakbang upang mapanatiling ligtas at malusog ang bawat pamilyang Hermoseño ngayong panahon ng El Niño.

(Video Sponsored)

Ang impormasyong ito ay hatid ng ating Bataan Provincial Health Office Midwives, na naglilingkod bilang mga Barangay Midwives sa Bayan ng Hermosa.

💚💙

#ElNiñoPreparedness

#SuperElNino

#DOHCLCHD

#BeatTheHeat

#GoBagReady

#HermosaSuperRHU

#LipadHermosa

#1Bataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1EnfZKw3TP/

Official Website of Municipality of Hermosa