Skip to main content

Hatid ng Hermosa: Biodiversity Monitoring Equipment para sa PAMO – RPL at PAMO – BNP

October 15, 2024 – Hermosa, Bataan

Sa pagtutulungan ng inyong lingkod, ni Vice Mayor Patrick Rellosa, at ng mga SB Members, ating naipaabot ang Biodiversity Monitoring Equipment para sa Protected Area Management Office (PAMO) – Roosevelt Protected Landscape (RPL) at PAMO – Bataan Natural Park (BNP) sa Turnover Ceremony na ginanap sa Assembly Hall ngayong araw sa panunguna ng Hermosa MENRO Head na si Jesus De Luna at Municipal Admin Rex Jorge.

Ang mga kagamitan na ito ay makakatulong sa PAMO ng RPL at BNP sa mga biodiversity monitoring activities sa mga respektibong lugar na nasa ilalim ng kanilang pagbabantay at pangangalaga upang mapangalagaan ang ating mga buhay-ilang at mga punong-gubat at halaman.

SAMA – SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#BMETurnover #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1GDuDGjwKR/

Official Website of Municipality of Hermosa