Skip to main content

Hatid na tulong kagamitan para sa mga mangingisda ng Brgy. Almacen

Matagumpay na nakapagpamahagi ang ating lokal na pamahalaan ng mga Fishing Gear at Fishing Paraphernalia para sa mga mangingisda ng Brgy. Almacen. Ito ay sa pamamagitan ng pondo mula sa ating Lokal na Pamahalaan ng Hermosa na pinangasiwaan ng ating Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Hermosa MAO Head Vincent Mangulabnan.

Sa nasabing pamamahagi nakatanggap ng kabuuang 10 pirasong polyethylene nets, 14 pirasong pamanti, at 60 pirasong headlights ang mga sumusunod na samahan: Samahan ng Maliit na Palaisdaan; Makialam; ABODA; Samahan ng Mangangapa; AFC; Samahan ng Manggagasang; Samahan ng Mamamaklad; at Samahan ng Mamamanti.

Maraming salamat sa ating Hermosa MAO sa pagsisikap na mahandugan ng tulong kagamitan ang ating magigiting na mangingisda, maging kay Kapitan Emeterio Villafania sa mainit na pagtanggap sa ating mga opisyal at kawani sa Brgy. Almacen.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA

#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/19L4g6Strd/

Official Website of Municipality of Hermosa