HATAW TAKBO BATAAN ROAD CLOSURE
February 26, 2026 – Hermosa, Bataan
Narito po ang mga kalsadang pansamantalang isasara kaugnay ng gaganaping Hataw Takbo Bataan sa darating na Sabado, mula alas-2:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng umaga.
Ang mga light vehicles tulad ng tricycle, motorsiklo, at jeep ay maaaring dumaan sa Brgy. A. Rivera, mula Penta Gas patungong Brgy. Daungan at pabalik (vice versa). Ang rutang ito ay ipatutupad bilang two-way traffic upang magsilbing alternatibong daanan.
Samantala, ang mga heavy vehicles tulad ng bus at truck ay pinapayuhang dumaan muna sa Bataan Roman Super Highway upang maiwasan ang abala at matiyak ang maayos na daloy ng trapiko.
Para sa iba pang detalye, maari pong tingnan ang mga kalakip na larawan.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa para sa ligtas at matagumpay na pagsasagawa ng Hataw Takbo Bataan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1XG2qEgAEQ/





