Sa pagdaraos ng Groundbreaking Ceremony, sisimulan na ang pagtatayo ng kauna-unahang imbakan ng sibuyas, hindi lang dito sa ating Bayan kundi sa buong probinsya ng Bataan. Ito ay pinangunahan ng inyong Lingkod na ginanap sa Mabiga, Hermosa, Bataan ika-17 ng Marso.
Ang nasabing imbakan ay kayang mag imbak ng hanggang 20,000 bags ng sibuyas, kung saan ang mga ani ay tatagal ng apat hanggang hanggang walong buwan. Solusyon ito upang hindi mapilitang magbenta ang ating mga magsasaka sa mababang halaga dahil sa kawalan ng imbakan. Masisiguro rin natin na may sapat na supply ng sibuyas ang ating bayan sa tamang presyo.
Lubos ang aming pasasalamat sa Kagawaran ng Agrikultura sa lahat ng tulong sa mga magsasaka dahil siguradong tataas ang kanilang kita, at hindi na sila dadayo pa sa Pangasinan at Nueva Ecija para mag imbak ng kanilang aning sibuyas.
Lubos ang aming pasasalamat sa ipinagkaloob nyo na ito sa aming mga magsasaka.
Kasama natin ang grupo ng “New Hermosa Farmers Association” sa pangunguna ni Chairman Godofredo Felife at sina 1st District Board Member Atty. Tony Boy Roman, Municipal Agriculturist Vincent Mangulabnanq, RTD for Operation and Extension Dr. Eduardo Lapuz, Assist. Director Bureau of Plant Industry Herminigilda Gabertan, Provincial Agriculturist Engr. Johanna Dizon, Chief, Field Operation Division, APCO Marilou Ramos, Regional HVCPP Focal Person Engr. Ab David, ABC Roberto Rosel, Konsehal Lou Narciso, Konsehal Boyet Yandoc, Konsehal Roger Manarang at Central Office na sina Atty. Joycel Panlilio at Project Development Officer IV Jose Jeffrey Rodriguez.
Asahan po ninyo na katuwang ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa marami pang proyekto ng Kagawaran ng Agrikultura.
Mabuhay ang mga Magsasakang Hermoseño!
Sama sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa! Maraming Salamat po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
#YesNaYesSaSibuyes 🧅
To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.
By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.
(047)-300-6750/ 0917-844-3453
Office Hour:
Mon - Fri: 8am - 5pm
Brgy. Burgos-Soliman St
Hermosa, Philippines 2111
All content is public domain unless otherwise stated.
LEGISLATIVE
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Official Directory