Skip to main content

GROCERY PACKS PARA SA MGA OFW NA APEKTADO NG BAGYONG NAGDAAN

Agosto 02, 2024 – Hermosa, Bataan
Sa ilalim ng pamamahala ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), isinagawa ang Calamity Assistance Program sa ating bayan at nagbigay ng mga grocery pack para sa 400 na beneficiaries sa anim na barangay na naapektuhan ng bagyo.
Pinangunahan ito ni Vice Mayor Patrick Rellosa at ng ating mga Sangguniang Bayan Members, kasama ang OWWA Chief Admin and Finance Division Head Redina Manlapaz, OWWA Focal Persons na sina Renard Bartolome at Jen Cordova, at ang PESO Manager ng ating bayan, Ofelia Datu.
Maraming salamat sa mga bumubuo ng OWWA sa kanilang patuloy na pakikiisa at malasakit para sa bayan ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa