Galing ng Kabataang Hermosa
September 16, 2024 – Hermosa, Bataan
Ating binigyang pagkilala ang mga mag-aaral mula sa Hermosa National High School sa ipinakita nilang angking talino at galing sa nagdaang 2024 International Science Olympiad Competition of Southeast Asia (ISOCSEA) National Round Awarding Ceremony.
Gamit ang kanilang talino at galing, nakapag-uwi ng pilak na medalya si Jarred B. Pascual sa Secondary 4 Category, habang tansong medalya naman ang inuwi nina Gabriel Inigo A. Cotchesa sa Secondary 2 Category at Rick Justine B. Pascual sa Secondary 3 Category.
Maraming salamat sa mga tagapagsanay ng magagaling na mga batang ito na sina Science Coordinator Ma’am Maria Fe M. Ignacio, Ma’am Lizzette T. Fabian, Ma’am Rica Reglos, at maging kay Principal Ma’am Arcele F. Servera.
Lubos kong pinapahalagahan ang karangalang ibinigay n’yo sa inyong mga magulang, paaralan, kamag-aral, at lalo na sa ating bayan, mga anak!
Ang mga kabataang gaya n’yo, na nagsusumikap na makapagbigay-karalangan sa ating bayan, ay ang sumasalamin sa progreso na patuloy nating isinusulong sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#2024ISOCSEA #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan