Skip to main content

GAD TRAINING NG MUNICIPAL AGRICULTURE OFFICE

Isinagawa po ang 2-day Gender and Development (GAD) Training na isinagawa ng Office of the Municipal Agriculturist sa pangunguna ni Mr. Bing Mangulabnan. Tinalakay sa nasabing pagsasanay ang Urban Agriculture at Organic Fertilizer, na dinaluhan ng mga principal at guro mula sa mga elementary at highschool sa Hermosa.

Kasama rin sa programa si Provincial Agriculturist na si Engr. Johanna R. Dizon, habang nagsilbing guest speakers sina Ms. Emelda P. Camacho at Mr. Christopher Y. Cruz, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa larangan ng makabagong pagsasaka at paggamit ng organikong pataba.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1DfLK4awTd/

Official Website of Municipality of Hermosa