Skip to main content

GAD TRAINING NG BARANGAY POPULATION WORKERS SA HERMOSA

March 17, 2026 – Hermosa, Bataan

Ginanap ngayong araw sa Negosyo Center ang Gender and Development (GAD) Training para sa mga Barangay Population Workers ng ating bayan, na may pokus sa Population Surveillance Orientation at Magna Carta of Women.

Pinangunahan ang nasabing pagsasanay nina Population Program Worker Desiree Molinar at Hermosa Designated Local Population Officer Orlan David, kasama ang ating masisipag at dedikadong Barangay Population Workers.

Layunin ng programang ito na higit pang palakasin ang kaalaman at kakayahan ng ating mga frontliners sa paghahatid ng serbisyong pang-populasyon at pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1BLhKzqBNF/

Official Website of Municipality of Hermosa