Batay sa patuloy na monitoring ng Hermosa TOP Marshal, may naitalang tubig-baha sa kahabaan ng Roman Highway, Barangay Culis, na umaabot na hanggang bukung-bukong.
Patuloy pa rin ang pag-ulan sa kasalukuyan, kaya pinapayuhan ang lahat ng motorista at mga residente na manatiling alerto at maingat sa pagdaan sa nasabing lugar.
Sa kasalukuyan, ang kalsada ay nanatili pang passable para sa lahat ng uri ng sasakyan.