FLAG RAISING CEREMONY | September 7, 2026
Nakiisa po tayo ngayong umaga sa Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng General Services Office (GSO).
Ngayong buwan ng Setyembre, ipinagdiriwang po natin ang ika-126 na Anibersaryo ng Philippine Civil Service Commission (CSC) na may temang “Puso, Dangal at Galing para sa Bayan.”
Binabati po natin ang Civil Service Commission sa makabuluhang pagdiriwang na ito. Kaisa ninyo kami sa pagsusulong ng tapat, mahusay, at makabuluhang serbisyo publiko para sa bawat Pilipino.
Mabuhay ang ating mga lingkod-bayan!









