Skip to main content

FLAG RAISING CEREMONY

Nakiisa po tayo sa Flag Raising Ceremony ngayong araw, na naging isang produktibong simula ng ating linggo.

Ipinakilala po natin sa LGU Hermosa ang bagong Pangulo ng ABC na si Kap. Emeterio B. Villafania. Kasabay nito, iginawad din natin ang Plaque of Appreciation sa dating ABC President na si Kap. Alfonso Cortez bilang pagkilala sa kanyang naging serbisyo at pamumuno.

Kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Hermosa, personal din nating iginawad ang Plaque of Recognition sa Hermosa Municipal Police Station bilang pagkilala sa kanilang mabilis at epektibong pagtugon sa insidenteng naganap sa Brgy. Culis.

Samantala, iginawad din natin kay SK Chairperson Christian Santos ng Brgy. A. Rivera ang Resolution No. 115, Series of 2026, bilang pagkilala sa kanyang naging partisipasyon bilang National Finalist sa United Nations Sustainable Development Goals for the Philippines Awards na ginanap sa Puerto Princesa, Palawan.

Bilang pagtatapos, personal din po nating ibinigay sa pamilya ng yumaong Head Nurse Kathleen Tungol ang isang natatanging pagkilala bilang pasasalamat sa kanyang tapat, dedikado, at mahusay na paglilingkod sa mamamayan ng Hermosa bilang Head Nurse ng ating bayan.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa
#1Bataan

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18pGB5Cb9m//a>

Official Website of Municipality of Hermosa