Flag Ceremony sa unang Lunes ng Nobyembre
November 4, 2024 – Hermosa, Bataan
Ngayong umaga ay nag-ulat ang Hermosa PESO Manager na si Gng. Ofelia Datu sa ginanap na flag ceremony ukol sa mga proyekto at programa ng kanilang tanggapan mula Enero hanggang Oktubre. Sa tulong ng pondo mula sa DOLE, matagumpay na nakapagbigay ang Hermosa PESO ng tulong pangkabuhayan sa iba’t ibang asosasyon sa ating bayan, tulad ng Apong San Pedro Association na nakatanggap ng Livelihood Check, pati na rin ang H-CPSN at Almacen Fishermen’s Cooperative na tumanggap ng mga pansimulang kagamitan sa ilalim ng DILP.
Bukod dito, pinangasiwaan din ng Hermosa PESO ang payout para sa 5,834 benepisyaryo ng TUPAD Program, 83 benepisyaryo ng SPES Program, at 35 benepisyaryo ng GIP Program. Ang mga pondong ito ay nagmula kina Sen. Bong Go at Sen. Joel Villanueva, sa mga ahensya na pinangungunahan nina Governor Joet Garcia, Congresswoman Geraldine Roman, Congressman Abet Gacia, at sa DOLE. Sa loob ng sampung buwan, umabot sa kabuuang 7,375 kababayan natin ang natulungan ng Hermosa PESO na makahanap ng trabaho.
Maraming salamat, Hermosa PESO sa pangunguna ni Gng. Ofelia Datu, sa tapat at aktibong paglilingkod sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan