Flag Ceremony: Pebrero 3, 2025
Ngayong Lunes, Pebrero 3, sa ating flag ceremony, ibinahagi ng Hermosa Municipal Engineering Office ang kanilang ulat para sa taong 2024 sa pamamagitan ng isang video presentation.
Ipinakita rito ang mga proyektong naisakatuparan sa Bayan ng Hermosa, gamit ang pondo mula sa iba’t ibang pinagkukunan tulad ng Local School Board Fund, Trust Fund, Trust Fund – SGLGIF, Trust Fund – FALGU, General Fund, General Fund – Supplemental Budget No. 1, GF – SB No. 1 (R/M – Infrastructure Assets), GF – SB No. 1 Slaughterhouse – Capital Outlay, General Fund – Supplemental Budget No. 2, at Pondo mula sa DOH RO III. Kabilang sa mga proyektong ito ang:
Pagpapatibay at Pag-aayos ng mga Kalsada
• Pagsemento ng kalsada sa Brgy. Palihan at Manalo Village
• Asphalt overlaying sa iba’t ibang lansangan
• Pagtatayo ng Farm-to-Market Road sa Brgy. Saba
Pagpapaganda ng Sistema ng Ilaw at Tubig
• Pagkukumpuni at pagpapalit ng street lights
• Pagtatayo ng Level III Portable Water Supply System sa Brgy. Mabiga
• Pagtatayo ng water system sa Brgy. Culis
Mga Istraktura para sa Proteksyon at Paglikas
• Pagtatayo ng slope protection sa Gov’t. Center (Brgy. JRC Mandama) at Brgy. San Pedro
• Pagtatayo ng perimeter fence sa Slaughterhouse, Brgy. Cataning
• Pagpapabuti ng Evacuation Center sa Brgy. San Pedro
Pagpapaunlad ng Pampublikong Pasilidad
• Pagpapaganda ng Hermosa Plaza
• Pagsasaayos ng Hermosa Municipal Building
• Pagpapatag at pag-aayos ng lote sa Brgy. Maite
• Pagsasaayos ng Covered Court sa Brgy. Mabuco
• Pagtatayo ng Super RHU sa Brgy. JRC Mandama
• Pagpapaganda ng District Office sa Hermosa Elementary School
• Iba’t ibang proyektong naglalayong pagandahin ang mga paaralan sa Hermosa
Paglilinis at Pagsasaayos ng mga Daluyan ng Tubig
• Desilting ng mga ilog at creek sa iba’t ibang lugar
• Pagsasaayos ng drainage at waterways upang maiwasan ang pagbaha
Samantala, nakapagtala rin ang ating Engineering Office ng 198 Building Permits, 175 Occupancy Permits, at 38 Fencing Permits para sa ating mga residente sa Bayan ng Hermosa.
Maraming salamat sa magandang balita na ito, Hermosa Municipal Engineering Office! Ang mga proyektong ito ay patunay ng ating sama-samang pagsisikap upang mapabuti ang kalidad ng buhay sa ating bayan. Sa patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan, tiyak na mas marami pang proyekto ang maisasakatuparan para sa ikauunlad ng ating mga kababayang Hermoseño.
SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan