Flag Ceremony: Enero 27, 2025
Enero 27, 2025 – Hermosa, Bataan
Ngayong Lunes, Enero 27, sa flag ceremony, ating narinig ang ulat mula sa Hermosa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) para sa taong 2024, na ipinaabot ng Hermosa MENRO Head na si G. Jake De Luna.
Sa nagdaang taon na 2024, narito ang mga proyekto at programang matagumpay na naisagawa ng ating MENRO para sa ikabubuti ng kalikasan, kasama ang mga likas na yaman at buhay ilang sa ating bayan:
• Pagsasagawa ng Information, Education, Communication (IEC) Programs para sa mga barangay, katuwang ang Youmanitarian, Geocycle Philippines ng Holcim Group, at EK.
• Pamamahagi at paglalagay ng 20 trash traps, at 2 stations para sa kalinisan sa ilog ng Brgy. Almacen, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Hermosa at Hermosa Municipal Agriculture Office (MAO).
• Selebrasyon ng Philippine Arbor Day sa pamamagitan ng sama-samang pagtatanim ng 1,500 fruit bearing tree seedlings, katuwang ang Balanga CENRO, Provincial Government of Bataan (PGB), BFP, PNP, DepEd, Asian Ventures, PCG, Phil. Blue Corp, at Bounty Fresh.
• Memorandum of Agreement Signing para sa pangkalahatang kaayusan ng kalikasan sa Hermosa, kasama ang Holcim Group at Youmanitarian.
• Pagsasagawa ng Tree Planting Activity sa Brgy. Maite kasama ang 250 na kinatawan ng 23 barangay sa Hermosa, kung saan 1,500 fruit bearing tree seedlings ang matagumpay na naitanim.
• Taunang pakikiisa sa International Coastal Cleanup Day, kung saan sabay-sabay na naglinis sa bawat barangay na nasasakupan ng Hermosa.
• Pamamahagi ng Biodiversity Monitoring Equipment, kabilang ang Drone, Printer, at mga Camping Gears, para sa Protected Area Management Office – Roosevelt Protected Landscape (PAMO-RPL) at PAMO – Bataan Natural Park. Dahil dito tumanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Bayan ng Hermosa mula sa Department of Enviroment and Natural Resources.
• Pagtatanim ng 880 bamboo seedlings sa Brgy. Sacrifice Valley, katuwang mga kinatawan ng Sangguniang Kabataan ng 23 barangay, DepEd, at Hermosa PNP.
• Pagsasagawa ng Benchmarking Activity sa Pamahalaang Panlungsod ng Davao para sa kanilang Biodiesel Production gamit ang mga gamit na cooking oil. Kaugnay nito ay ang pakikipagugnayan ng Hermosa MENRO sa Japan International Cooperation Agency patungkol sa pagpapatupad ng Biodiesel Production sa ating bayan.
• Pagsasagawa ng Sampling para sa hangin at tubig sa Bayan ng Hermosa.
• Pagsasagawa ng desludging activity sa ilalim ng Septage Management Program, kung saan na-desludge ang 1,996 septic tanks mula sa 2,189 accounts sa ating bayan.
Maraming salamat sa pangangalaga sa ating kalikasan, Hermosa MENRO! Ang inyong pagsusumikap ay repleksyon ng kolektibong pagmamahal sa kapaligiran ng bawat Hermoseño.
SAMA SA PALIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan