
FIRE EXTINGUISHER PARA SA MGA PAARALAN NG BAYAN NG HERMOSA
April 17, 2023 – Hermosa, Bataan
FIRE EXTINGUISHER PARA SA MGA PAARALAN DITO SA BAYAN NG HERMOSA NAIPAMAHAGI NA!
Pinangunahan ni Municipal Administrator Rex Jorge bilang kinatawan ng inyong Lingkod kasama si District Supervisor Ronnie Mendoza ang pamamahagi ng “Fire Extinguisher” para sa mga paaralan dito sa ating Bayan.
Mahalagang tandaan na ang pagiging handa sa mga sunog ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan kundi ng buong komunidad. Kailangan ang kooperasyon at partisipasyon ng lahat upang masiguro ang kaligtasan ng lahat sa panahon ng sunog. Magtulungan tayo upang masiguro ang isang ligtas at mapayapang kapaligiran para sa lahat.
Laging tandaan, Ligtas ang may alam!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️