FINGERLINGS PARA SA ATING KABABAYANG MILKFISH GROWERS!

Matagumpay pong naipamahagi ng “Regional Fingerling Dispersal” BFAR-Region III sa pangunguna ni Regional Director ng Region III Wilfredo Cruz at ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Hermosa ang pamamahagi ng mga milk fish at tilapia.
Sa kabuuan, meron tayong napamahaging 175 na bags na naglalaman ng milkfish na nasa 150 piraso sa kabuuan ay 26, 250 at 48 bags na tilapia na nasa 1,305 piraso sa kabuuan ay 62, 640 Tilapia, para sa 14 benipisyaryo natin. Ito ay programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture (DA) kasama ang lokal na pamahalaan.
Ang naturang programa ay bahagi ng Municipal Fingerlings Dispersal Program katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, sa pangangasiwa ng Municipal Agriculture Office Sir Tom Sotto.
Ito ay naglalayong masiguro na may sapat na makakain ang ating mga mamamayan lalo na ngayong panahon ng krisis at upang mapalakas ang sektor ng agrikultura at pangingisda sa ating bansa.
Lubos pong nagpapasalamat ang ating Pamahalaang Lokal sa walang sawang pagsuporta sa mga programang ito.
Maraming Salamat po sa BFAR at DA na ang ating partners sa programang ito! Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa
#1Bataan

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa