
FARM TO MARKET ROAD, SISIMULAN NA
April 27, 2023 – Hermosa, Bataan
FARM TO MARKET ROAD, SISIMULAN NA!
SIMBOLO NG PATULOY NA PAG UNLAD SA BAYAN NG HERMOSA
Idinaos ngayong araw ang seremonya para umpisahan ang proyekto para sa pagsasaayos ng ating daan mula sa Sitio Nazareno – Culis patungo sa pamilihan ng Bayan ng Hermosa na pinangunahan ng inyong Lingkod na ginanap sa Brgy. Culis Hermosa, Bataan.
Ang proyektong FARM TO MARKET ROAD na ito ay nagmula sa Philippine Rural Development Project (PRDP) sa ilalim ng Kagawaran ng Agrikultura na personal na iginawad kamakailan ng ating mahal na Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr.
Dahil dito ay mas mabilis na makakarating ang mga produkto sa merkado at magkakaroon ng mas maayos na supply ng mga produktong pang-agrikultura. Asahan po ninyo ang patuloy nating pakikipagtulungan sa pamahalaang nasyonal para sa tuloy-tuloy na pag-unlad dito sa Bayan ng Hermosa.
Kasama rin natin sina Vice Mayor Patrick Rellosa at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Agriculture OIC Vincent Mangulabnan, Rep. from Office of the Provincial Agriculturist Julio Jose Tuazon, RPCO III – IBuild Component Head Engr. Elmer Tubig, Regional Project Director Dr. Arthur Dayrit, PH.D, Regional Executive Director DIR. Crispulo Bautista Jr. at Rep. from Office of the Congresswomen Edmund Castañeda.
Muli, Maraming Maraming Salamat sa ating Mahal na Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. sa biyaya para sa Bayan ng Hermosa. Mabuhay po kayo!
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️