Skip to main content

FAMILY WEEK CELEBRATION NG CHILD DEVELOPMENT CENTERS

September 29, 2026 – Orani, Bataan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Family Week, nagsagawa ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng isang masaya at makabuluhang selebrasyon para sa mga Child Development Centers sa bayan ng Orani.

Bitbit ang tema na “Pamilya: Pagkakapantay-pantay at Kapakanan ng Bata,” naging tampok sa programa ang mga gawaing naglalayong palakasin ang samahan ng pamilya at bigyang-halaga ang kakayahan at pagkamalikhain ng ating mga kabataan.

Naging mas masaya ang selebrasyon sa pamamagitan ng storytelling at coloring contest, kung saan nakilahok ang ating mga minamahal na bata kasama ang kanilang mga pamilya.

Dahil sa isang masaya, nagkakaisa, at mapagmahal na pamilya, mas nagiging makulay ang paglaki ng bawat bata.

#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1MGfUWLpin/

Official Website of Municipality of Hermosa