
FACE TO FACE CLASSES SA MANDAMA ELEMENTARY SCHOOL, UMARANGKADA NA!
September 12, 2022- Hermosa, Bataan
FACE TO FACE CLASSES SA MANDAMA ELEMENTARY SCHOOL, UMARANGKADA NA!
Nagsimula na rin ang pagbubukas ng in-person classes sa Mandama Elementary School, bilang kinatawan ng inyong lingkod, pinangunahan ni Konsehal Jason Enriquez ang isinagawang kauna-unahang seremonya sa pagtataas ng watawat ngayong araw, ito ay hudyat sa muling pagbubukas para sa kanilang five days in-person classes.
Tiniyak po natin na maisasagawa at maipapatupad ang mga minimum health standards o protocols tulad ng wastong pagsusuot ng kanilang mga face mask, physical distancing, at regular na paghuhugas ng kamay.
Dinaluhan naman ito nina Dr. Roland F. Fronda – School Division Superintendent, DepEd Hermosa Supervisor Sir Ronie Mendoza, mga kaguruan, at mga Barangay Councils.
Maraming Salamat po sa inyong suporta, Mabuhay po kayo! 

#LipadHermosa 

#1Bataan 
