
Excellence Awards sa Pangkalusugan ng Central Luzon, Iginawad sa Bayan ng Hermosa!
December 13, 2022 – San Fernando, Pampanga
Excellence Awards sa Pangkalusugan ng Central Luzon, Iginawad sa Bayan ng Hermosa!
Sa ngalan ng inyong lingkod na prayoridad ang mga programang pangkalusugan at sa mga bumubuo ng Hermosa Rural Health Unit para sainyo po ang karangalang iginawad sa atin para sa Central Luzon 8th Excellence Awards for Health, na ginanap kahapon sa San Fernando, Pampanga, ika-13 ng Disyembre.
Pinangunahan ni Councilor Committee on Health Kon. Luz Jorge Samaniego kasama si Municipal Health Officer Jose Bismarck Abad ang pagtanggap ng nasabing pag-gagawad na siyang kumatawan sa inyong lingkod, ito ay patunay sa ipinakikitang commitment ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa katuwang ang mga stakeholders nito na makapagbigay ng maayos na serbisyong medikal.
Dinaluhan ito nina Governor Joet Garcia, Cong. Abet Garcia, iba’t ibang Lalawigan, Municipal/City Health Offices, mga Gobernador at Alkalde, mula sa Region III.
Maraming Salamat po sa mga tumutulong para itaguyod ang kalusugan sa Bayan ng Hermosa tulad ng DOH, Municipal Health Office, Barangay Health Workers at Barangay Officials.
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa! Maraming Salamat Po!
#LipadHermosa 

#1Bataan 
