ELECTION OF KALIPI AND SOLO PARENT
Sa pangangasiwa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), matagumpay na isinagawa ngayong araw ang halalan para sa mga opisyal ng KALIPI at Solo Parent Association ng bayan ng Hermosa.
Pinangunahan ang aktibidad ni KALIPI Federation President Pinky De Leon, kasama sina Kap. Manny Paule at Kap. Narciso Robles, upang matiyak ang maayos at demokratikong pagpili ng mga bagong lider na magsisilbi sa kanilang mga samahan.
Layunin ng gawaing ito na higit pang mapalakas ang partisipasyon ng mga kababaihan at solo parents sa mga programa at inisyatiba ng pamahalaan para sa kapakanan at kaunlaran ng kanilang sektor.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18emvr7ET2/









