Skip to main content

Distribution of Various Government Assistance

Pagkakaloob ng Php 90,314,410.62 for the Improvement of Sitio Nazareno – Culis Farm to Market Road
Sa pangunguna ng Pangulo ng Pilipinas, President Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang ating Governor Joet Garcia, 2nd District Representative Congressman Abet Garcia, 3rd District Representative Congresswoman Gila Garcia, at ang iba’t-ibang Ahensiya ng ating bansa ay ginanap ang paggagawad ng iba’t-ibang , March 31.
Bilang kinatawan ng ating Punong-bayan, Mayor Jopet Inton, ating sinamahan ang ating mga kababayan sa ilalim ng samahang St. Joseph Farmers Association at ng Samahan ng mga Mangingisda sa Almacen na bahagi rin ng mga benepisyaryo at upang tanggapin din ang tulong ng ating Pamahalaang Nasyonal. Mula sa Kagawaran ng Agrikultura, pinagkalooban ang Bayan ng Hermosa ng halagang Php90,314,410.62 para sa pagsasaayos ng daan mula sa Sitio Nazareno- Culis patungong Pamilihang Bayan.
Ito ay bahagi ng prayoridad na programa ng ating pamahalaan na padaliin ang transportasyon mula sa ating mga food providers patungo sa ating pamilihan. Sa pamamagitan nito’y naiaangat natin ang kapasidad ng bawat magsasaka at mamimili na maabot ang mga pangunahing pangangailangan para sa ating araw-araw na pamumuhay.
#IDOLsaSerVICEyo
#LipadHermosa
#1Bataan
Official Website of Municipality of Hermosa