DAYCARE WORKER’S WEEK CELEBRATION 2026
Upang mabigyan ng sapat na kaalaman at pagsasanay ang ating mga daycare teachers, isinagawa ang Daycare Workers’ Week Celebration kasama ang Workshop on Teaching Beginning Reading for Early Learners, na ginanap sa Saint Peter Verona Hall.
Layunin ng workshop na mabigyan ang mga guro ng mga epektibong pamamaraan at kasanayan sa pagtuturo ng pagbasa sa mga batang daycare learners na nasa edad 3 hanggang 4 na taong gulang. Sa pamamagitan nito, mas mapalalakas ang kanilang kakayahan sa paggabay at paghahanda sa mga bata sa kanilang maagang yugto ng pagkatuto.
Lubos po tayong nagpapasalamat kina Konsehala Gelly Santos, sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Chasmalin Francisco, at sa Adarna Group Foundation, Inc., kasama sina Margaret E. Fua, Agatha Vargas, Karla Bolaños, at Rara Abdullah, sa kanilang mahalagang suporta at pakikiisa upang maging matagumpay ang programang ito.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/191cBhDGau/








