Skip to main content

DAGDAG KAALAMANG PANGKABUHAYAN PARA SA MGA MIYEMBRO NG INA NG HERMOSA

Ginanap kanina ang 1st livelihood training para sa taong ito na pinangunahan ni Mayora ANNE INTON sa tulong ng Rotary Club of Subic Bay Freeport Zone sa Brgy. Pandatung Hermosa, Bataan.
Nabigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na maturuan kung paano ang proseso ng paggawa ng tocino, tapa, at longganisa sa tulong ng ating instructor na si Mr. Kim Famor. Maaari nilang magamit ang mga bagong kaalaman na ito upang magsimula ng negosyo.
Kasama rin natin dito ang Rotary Club of Freeport Zone President, Noel Sayno at mga miyembro nito na sina Ma’am Liana Vitug, Ma’am Lynda Arzadon, Ma’am Otchie Peralta, Sir Jed Exequiel, Ma’am Marjorie Dizon at Ma’am Jen Atuan.
#LipadHermosa
#1Bataan
#InaNgHermosa

Official Website of Municipality of Hermosa