Corporate Strategic Planning Session
Bilang Chairman at CEO ng Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI), pinangunahan po natin ang Corporate Strategic Planning Session kasama ang ating Board of Directors at management team noong Oktubre 9-11 sa Midori Hotel, Clark, Pampanga.
Nakatuon po tayo sa pagbuo ng Strategic Management Framework na layuning mas malinaw na maipahayag ang ating vision, mission, at unit objectives para sa bawat departamento gaya ng management, administration, finance, operations, at business development.
Layunin nito na pataasin ang kita ng BBJVI habang pinangangalagaan ang kapakanan ng komunidad at mga investors nito.






