CONGRATULATIONS MS. BPSU 2026, FIONA SAMANIEGO!
Isang proud Hermoseña moment para sa ating kababayan na si Fiona Kheily V. Samaniego mula sa Brgy. Mabuco, Hermosa, Bataan, matapos siyang tanghaling Ms. BPSU 2026 sa katatapos lamang na Mr. and Ms. BPSU 2026 noong Huwebes, ika-26 ng Marso.
Pinatunayan ni Fiona ang kanyang husay at galing laban sa 13 kandidata mula sa iba’t ibang kampus ng Bataan Peninsula State University, kabilang ang Main Campus, Balanga, Bagac, Abucay, Orani, at Dinalupihan gayundin mula sa iba’t ibang kurso sa nasabing pamantasan.
Sa kanyang tagumpay, siya ang magiging opisyal na kinatawan ng Bataan sa Culture and the Arts Association of State Universities and Colleges (CAASUC) Region III, kung saan makakalaban niya ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang probinsya sa Region 3 tulad ng Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.
Muli, congratulations, Fiona! Good luck sa iyong susunod na pageant. Ipagmalaki at ibandera mo ang galing ng Bataeño!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA! #LipadHermosa #1Bataan
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1C854WG9uw/