CONGRATULATIONS, MADELENE JUNIO!
Malugod po nating binabati si Madelene Junio, isang mag-aaral mula sa Culis Elementary School, na nagwagi ng 1st Place sa katatapos lamang na Regional Schools Press Conference 2026 na ginanap sa Baler, Aurora.
Dahil sa kanyang husay, siya ang magrerepresenta ng Region III sa darating na National Schools Press Conference (NSPC) na gaganapin sa Ormoc City.
Nakamit ni Madelene ang unang gantimpala sa Feature Writing (English) – Elementary Level, patunay ng kanyang galing at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Tunay ngang ang batang Hermoseno ay patuloy na namamayagpag sa iba’t ibang larangan. Ipinagmamalaki ka namin!
Good luck sa NSPC, Madelene!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1LRsj14cuE/