Skip to main content

Change of Command Ceremony ng 7th Infantry

Kasama ang aking mga “Mistah” na sina Brigadier General Joseph Norwin Pasamonte PA at Brigadier General Oliver Maquiling PA, tayo ay dumalo sa Change of Command Ceremony ng 7th Infantry (Kaugnay) Division na pinangunahan ni Lieutenant General Roy Galido PA, ang Commanding General ng Philippine Army.

Sa seremonyang ito, opisyal nang inilipat ang puwestong Commander ng 7th Infantry Division ng Philippine Army kay BGEN Pasamonte PA mula sa Acting Commander nito na si BGEN Maquiling PA.

Dalangin ko ang patnubay at patuloy na biyaya ng kalakasan, katalinuhan, at kalusugan ng ating Panginoon para kay BGEN Pasamonte, maging sa 7th Infantry (Kaugnay) Division.

#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1FkY8maCo6/

Official Website of Municipality of Hermosa