CBMS MEETING WITH PSA
Sa pangunguna ng Philippine Statistics Authority (PSA), isinagawa po ngayong araw ang pagpupulong kaugnay ng Community-Based Monitoring System (CBMS) sa conference room ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa.
Pinangunahan ito ni Engr. Kenneth Brian B. Landicho ng Bataan Provincial Statistical Office, kasama ang mga department heads ng ating lokal na pamahalaan.
Layunin ng pagpupulong na higit pang mapalakas ang pangangalap at pagsusuri ng datos upang magsilbing gabay sa mas maayos at epektibong pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at serbisyong para sa ating mga mamamayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAT HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Dy8yaxFNt/