Tinalakay po natin ang mga magiging sistema at proseso ng operasyon nito, gayundin ang mga paraan upang maging mas maayos, episyente, at aktibo ang serbisyo ng bawat tanggapan para sa ating mga kababayan.
Nakasama po natin sa monday coffee session ang Sangguniang Bayan members, led by Vice Mayor Patrick Rellosa, Acting Chief of Staff/MENRO Jake De Luna at Admin Rex Jorge.
Yung Monday pa lang, pero ang isip ko pang-Friday na agad sa dami ng meetings! 😂 Parang kailangan ko na ng extra brain cells para sa buong linggo! Hahaha joke lang po.
Tinalakay rin po ang pagkakasama ng ating bayan bilang benepisyaryo ng FY 2026 National Disaster Risk Reduction and Management Fund – Disaster Rehabilitation and Recovery Assistance Program (NDRRMF-DRRAP) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nakakalungkot po ang nangyaring sunog sa Jinboway sa Subic Bay Freeport Zone noong November 4, 2026, na nakaapekto sa ilang pasilidad at manggagawa, kabilang ang ating mga kababayang Hermoseño na dito nagtatrabaho at naghahanapbuhay.
Bilang paunang hakbang, hinihikayat po natin ang ating mga kababayan dito sa Hermosa na naapektuhan ng insidente na sagutan ang registration form sa pamamagitan ng link o pag-scan sa QR code upang makalap natin ang kinakailangang impormasyon at matukoy ang mga posibleng maipagkakaloob na tulong at suporta.
Paalala lamang po, tanging mga lehitimong manggagawa ng Jinboway at iba pang kumpanyang naapektuhan ng sunog na residente ng Hermosa lamang ang maaaring magrehistro.
Mag papadala po uli Ng fire truck Ang ating mahal na mayora mamayang 5:00 Ng hapon upang mag supply Ng tubig doon sa area n wala talagang tulo 24/7 phase 1. ihanda po Ang ating mga balde upang maka sahod Ng tubig.
Dumalo po tayo kahapon kasama sina Mayor Kuya AJ Concepcion at Mayor Tong Santos sa Ceremonial Turnover of Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program (DRRAP) Funds to Local Government Units na pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Ceremonial Hall ng Malacañang Palace.
Isang karangalan po para sa Lokal na Pamahalaan ng Hermosa na mapabilang sa mga piling Local Government Units (LGUs) na opisyal na benepisyaryo ng nasabing programa.
Layunin ng pondong ipinagkaloob ng pambansang pamahalaan na suportahan ang mga hakbang sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga lokal na pamahalaang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo, habagat, at pagbaha. Gagamitin po ito upang maisaayos at maibalik ang mga nasirang imprastraktura, kalsada, drainage system, at iba pang pampublikong pasilidad na mahalaga sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.
Malaking tulong po ang programang ito upang mapabilis ang pagbangon ng ating mga komunidad at higit pang mapatatag ang kahandaan at katatagan ng ating mga barangay at bayan laban sa mga sakuna.
Maraming salamat po sa ating pambansang pamahalaan sa patuloy na pagbibigay-pansin at suporta sa mga lokal na pamahalaan para sa isang mas ligtas at matatag na pamayanan.
Sa pangangasiwa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), matagumpay na isinagawa ang Child Development Center Children’s Congress sa Peninsula de Bataan.
Naging masaya at makulay ang programa sa pamamagitan ng iba’t ibang paligsahan na nilahukan ng ating mga daycare learners, kabilang ang Singing Contest, Poem Recitation Contest, at Zumbalilit Contest.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang ating Binibining Hermosa 2026 na si Fiona Samaniego, na nakisaya at nagbigay-suporta sa ating mga batang kalahok.
Kasama ang ating Sangguniang Bayan, buong puso po tayong nakikiramay sa pamilya ni Abucay Mayor Erik Martel sa pagpanaw ng kanilang ama, ang dating Punong Bayan ng Abucay na si Mayor Liberato “Pambato” P. Santiago Jr.
Maraming salamat po, Mayor Pambato, sa inyong naging paglilingkod, dedikasyon, at pagmamahal sa inyong mga kababayan. Ang inyong mga nagawa at iniwang legasiya ay mananatiling buhay sa puso at alaala ng mga taong inyong napaglingkuran.
Dalangin namin ang inyong walang hanggang kapayapaan. Nawa’y bigyan ng Panginoon ng lakas ang inyong pamilya sa panahong ito ng pagdadalamhati.
Paalam po, Mayor Pambato. Maraming salamat sa inyong paglilingkod.
Pagbati sa mga bagong kasal na sina John Francel at Kathleen, at Manuel at Candie!
Nawa’y patnubayan at gabayan kayo ng ating Panginoon, nang sa gayon maibigay ninyo nang taos-puso sa isa’t isa ang pagmamahal, pag-intindi, at pagkalinga na siyang nagbubunga ng mapayapang pagsasama.
Hiling ko ang walang hanggang kasiyahan at kasaganahan para sa bawat isa sa inyo. Mabuhay ang inyong pag-ibig!