BSIT CAPSTONE PROJECT DEPLOYMENT
Ipinakita sa atin ang capstone project nina Ralph Alfred C. Cabrera, Elijah Christian M. De Dios, at Rosha D. Tañedo, mga BSIT students mula sa APCAS, kasama si Glenly Monje ng MDRRMO.
Ang kanilang proyekto ay isang solar-powered charging station na nagsisilbing libreng charging hub para sa mga residente, kung saan maaari silang mag-charge ng kanilang mga cellphone at emergency lights, lalo na sa mga oras ng pangangailangan.
Dahil ito ay solar-powered, hindi ito umaasa sa kuryente mula sa grid. Kumukuha ito ng enerhiya mula sa araw, kaya tuloy-tuloy ang serbisyo at nananatiling bukas ang komunikasyon sa komunidad kahit sa mga panahong walang kuryente.
Ang dalawa sa kanila ay taga-Hermosa kaya naman sa ating bayan rin po ito piniling i-deploy bilang bahagi ng inobasyon at serbisyo para sa publiko. Sila rin ay ginawaran ng Best Capstone Saliksik Asianista Award sa APCAS.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan
#HermosaBataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1H7gUEfoWu/




