Skip to main content

Brgy. Bamban, kinilala bilang Top Performing Barangay sa Hermosa

September 18, 2024 – Hermosa, Bataan
Ginawaran ng parangal ang Brgy. Bamban bilang Top Performing Barangay sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa sa nagdaang Barangay Resilience Bingo Scorecard (BRBS) na ginanap sa Bataan People’s Center kahapon, September 17, 2024.

Sa kabilang banda, kinilala ang Brgy. A. Rivera bilang Top 2 Performing Barangay habang ang Brgy. Almacen naman ang kinilala bilang Top 3 Performing Barangay sa ating minamahal na bayan. Kasama ng Brgy. Bamban, nakatanggap ang mga nasabing barangay ng plake at sertipiko ng papuri.

Mula sa 237 barangay sa Probinsya ng Bataan, 188 barangay ang nakiisa sa nasabing proyekto at nakatanggap ng P100,000.00 cash incentive ang Top Performing Barangay per City/ Municipality matapos nitong makapasa sa validation na isinagawa ng Bataan Peninsula State University (BPSU) at PDRRMO-isang mahalagang hakbang upang makapasok sa BRBS-ang cash incentive ay iginawad sa lahat ng nakapasok na barangay para sa kanilang pagsusumikap na gawing ligtas ang kanilang lugar sa panahon ng kalamidad.

Bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa BRBS, dumalo sa nasabing parangal sina Gov. Joet Garcia, RD Amador Corpus ng Office of Civil Defense (OCD), Executive Director Silvestre Barrameda, Jr. ng National Resilience Council, Dr. Ruby B. Santos-Matibag ng Bataan Peninsula State University at Arvin Catipon ng Provincial Disaster Risk Reduction Office (PDRRMO).

Maraming salamat sa lahat ng mga taong nagtulong-tulong upang makamit ang mga parangal na ito. Sumasalamin ang lahat ng plake at sertipikong ito sa kagustuhan ng ating lokal na pamahalaan ng Hermosa na masiguradong ligtas ang ating mga kababayan sa panahon ng kalamidad.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#BRBS #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa