Skip to main content

BRGY. ALMACEN CLEAN UP DRIVE, ISINAGAWA NG PHILIPPINE COAST GUARD

March 21, 2023 – Hermosa, Bataan
Ang mahal nating bayan ng Hermosa ay dinalaw ng mga kawani ng Philippine Coast Guard – Headquaters Support Group sa pamumuno ni CG CDR Jonathan S. Serote at nagsagawa ng isang Coastal Clean Up activity sa Almacen River na kasama ang Barangay Almacen at sa pakikipagugnayan ng ating Municipal Environment at Natural Resources Office (MENRO).
Nagagalak ang inyong lingkod sa ipinamalas na malasakit ng ating Philippine Coast Guard para sa ating probinsiya at bayan ng Hermosa na patuloy din ang suporta sa kanila ni CDR Serote.
Asahan po ninyo ang patuloy na pakikipagtulungan ng inyong lingkod sa mga ahensya ng pamahalaan para sa kalinisan at kaayusan ng Manila Bay na ating sama-samang ibabalik sa dati nitong maayos na kalagayan.
Mabuhay ang Philippine Coast Guard!
Maraming Salamat Po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa