Skip to main content

BOARD OF INVESTMENTS, BUMISITA SA HERMOSA

September 14, 2026 – Hermosa, Bataan
Bumisita po sa ating tanggapan ang mga kinatawan ng Board of Investments (BOI) sa pangunguna nina Roy Celesio, Michael Boctot at Marc Soria.
Sa ating pagpupulong, tinalakay po natin ang mga oportunidad upang higit pang maitaguyod ang Hermosa bilang isang competitive at investment-ready municipality sa Bataan. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ugnayan ng pamahalaan, mga negosyo, at mga paaralan upang mas maiugnay ang ating mga kabataan at manggagawa sa mga oportunidad na dulot ng mga bagong pamumuhunan.
Kaisa po natin ang BOI sa pagsusulong ng strategic investments, industry-academe linkages, skills development, at investment promotion na makatutulong upang mas maraming negosyo ang mahikayat na mamuhunan sa Hermosa at mas maraming trabaho at oportunidad ang mabuksan para sa ating mga Hermoseño.
Patuloy po nating ipakikilala ang Hermosa bilang isang lugar na may strategic na lokasyon, lumalawak na oportunidad, at malaking potensyal para sa mga negosyo at industriya. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan, pribadong sektor, at akademya, layunin nating makalikha ng mas maraming trabaho, mapaunlad ang kasanayan ng ating mga kababayan, at mapalakas ang lokal na ekonomiya tungo sa pangmatagalang pag-unlad ng Hermosa.
Official Website of Municipality of Hermosa