Binibining Pauline Janelle Rodriguez, buong puso mong ipinaglaban at ipinakita ang galing ng Bayan ng Hermosa!
Bagama’t hindi mo naiuwi ang korona ng Binibining Bataan ngayong gabi, ang iyong husay, dedikasyon, at pagmamahal sa ating bayan ay nagningning sa bawat hakbang mo. Mula nang ikaw ay hiranging Binibining Hermosa, buong puso mong dinala ang ating bayan—ipinaglaban ang iyong mga adbokasiya, pinangunahan ang mga makabuluhang proyekto, at ngayon, buong tapang kang humarap sa entablado.
Ikaw ang aming tunay na reyna. Maraming salamat sa iyong malasakit at sa marangal mong pagrepresenta sa Hermosa. Patuloy ang iyong paglalakbay, at narito kaming lahat upang sumuporta sa’yo.
Mabuhay ka, Pauline! Hinihintay namin ang marami pang tagumpay na iyong mararating!
#BinibiningHermosa #BinibiningBataan #LipadHermosa #1Bataan