Binabati po natin ang ating kababayan na si Ms. Flora Jonson bilang isa sa mga Top Nomination Entries para sa Gawad Sulong 2026 – Best Microenterprise Development (MD) Individual, Regular Category, kaugnay ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Ang pagkilalang ito ay iginawad ng DSWD Field Office III, bilang pagkilala sa kanyang pagsisikap at pagpapaunlad ng kanyang kabuhayan sa ilalim ng programa.
Kasama sa pagkilala at pagdiriwang sina DSWD SLP Provincial Coordinator Ricky Gacayan, Maria Salome Ordonio, Implementing Project Development Officer, MSWDO Chasmalin Francisco,
at Ms. Purisima Somosierra, SLP Hermosa Coordinator.









