Bilang bahagi ng ating kampanya para sa mas ligtas na mga paaralan, pinangunahan ni PMAJ Kenneth B. Longan, Chief of Police ng Hermosa PNP, ang School Governance Council Orientation, Election of Officers, and Protocols for Active Shooting Incidents.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng paaralan at komunidad sa pamamagitan ng School Governance Council, habang pinahuhusay ang kahandaan ng mga kalahok sa pag-iwas at pagtugon sa mga insidente ng active shooting upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at buong komunidad.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1H2DhfBwsX/