Skip to main content

Bida ang Hermosa ng Nutrisyon!

Ipinagmamalaki ng Bayan ng Hermosa ang pagtanggap ng Provincial Green Banner Seal of Compliance sa katatapos lamang na Gitnang Luzon Gawad Parangal sa Nutrisyon 2024 na ginanap sa Good Shepherd Hall Development Center. Isang patunay ito ng matagumpay nating pagpapatupad ng Programang Pang Nutrisyon para sa ating komunidad.

Maraming salamat kay Nurse Kathleen Tungol, ang masipag nating Nutrition Action Officer, sa ilalim ng paggabay ni Dr. Warren Valencia, Municipal Health Officer, para sa kanilang husay at dedikasyon. Pasasalamat din sa ating Konsehala Luz Samaniego, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Workers, at Barangay Nutrition Action Committee para sa kanilang walang sawang suporta.

Para ito sa inyo, mga Hermoseño! Patuloy tayong magtulungan para sa mas malusog at mas maunlad na Hermosa!

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#AlagangHermosa #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/15WFhHv6ri/

Official Website of Municipality of Hermosa