Berdeng Hermosa: Tree Planting Activity for Barangay
Sa ating patuloy na pagsisikap at kampanya para sa mas berdeng Hermosa, katuwang si Vice-Mayor Patrick Rellosa, mga Konsehal ng Bayan, at sa inisyatibo ng Hermosa MENRO sa pangunguna ni G. Jake De Luna, patuloy ang ating pagtatanim ng mga puno sa lahat ng barangay sa ating bayan.
Sa ilalim ng naturang programa na may pamagat na ‘Tree Planting for Barangays,’ ay nakapagtanim tayo ng mga puno sa Barangay Maite. Ito ay isa sa mga hakbang na ating isinasagawa upang malabanan ang climate change na maaaring sumira sa likas na ganda ng ating minamahal na Bayan ng Hermosa.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, matagumpay nating malalabanan ang climate change at maiiwasan ang mga masamang dulot nito.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#TreePlantingforBarangays #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan