
BENEPISYO SA UNANG SEMESTRE PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZEN, NAIPAMAHAGI NA
March 28, 2023 – Hermosa, Bataan
,
Matagumpay na naipamahagi ang 98% na Social Pension para sa ating mga mahal na Lolo at Lola dito sa ating Bayan. Sila po ay nakatanggap ng 3,000 pesos para sa kanilang unang semestre ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon ng 2023. Ito ay pinangunahan ni OSCA Head Arturo Sangalang na kumatawan sa inyong Lingkod ngayong araw ng Martes, ika-28 ng Marso na ginanap sa Hermosa Covered Court.
Sa kabuuan ay nasa 860 ang nakatanggap kasama ang DSWD Region III na silang nangasiwa sa payout na isinagawa kanina, katuwang ang ating MSWDO Head Cecilia Simbol, SC Focal Person Luz Jimenez kasama ang mga Presidente ng Senior Citizen sa Bayan ng Hermosa.
Ang Social Pension Program ay isang programa ng pamahalaan ng naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa ating mga mamamayan na may gulang 60 taon pataas at walang sapat na pinagkukunan ng kita. Ang layunin nito ay mapabuti ang kalagayan ng mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na kita upang makatulong sa kanilang pang araw-araw na gastusin.
Dinaluhan ito nila Chairman Commitee on Senior Citizen Lou Narciso, Vice Mayor Patrick Rellosa, Konsehal Boyet Yandoc, Konsehal Jason Enriquez at Konsehala Luz Jorge-Samaniego.
Kaya’t walang sawa ang pakikipagtulungan ng ating pamahalaang lokal at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa patuloy na pag kalinga sa ating mga kababayan.
Mabuhay po kayo! Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️