Skip to main content

BENCHMARKING VISIT SA CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA

March 9, 2026 – Pampanga

Sa pangunguna ng Municipal Health Office, kasama sina MHO Officer Warren Valencia, Rural Health Physician Dr. Justin Pestio, at Konsehala Gelly Santos, nagsagawa po tayo ng isang benchmarking visit sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga kung saan tayo ay mainit na tinanggap ni Mayor Vilma Caluag.

Ipinakita ng pamahalaang lungsod ang kanilang Mobile Clinic Services, na naglalayong mailapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa komunidad. Kabilang sa mga serbisyong inaalok nito ang medical consultation, laboratory at diagnostic services, dental services, X-ray, ECG, ultrasound services, at pharmacy services.

Ang inisyatibong ito ay nagsisilbing inspirasyon at gabay upang lalo pang mapabuti at mapalawak ang mga programang pangkalusugan na maibibigay sa ating mga kababayan, para sa mas maayos, mabilis, at abot-kayang serbisyong medikal para sa lahat.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/17r8wfHzqS/

Official Website of Municipality of Hermosa