Be a Buddy, Not a Bully: Mas payapang paaralan para sa mga Batang Hermoseno
Nobyembre 21, 2024 – Abucay, Bataan
Sa pagpapatuloy sa selebrasyon ng National Children’s Month at pagsusulong ng mas payapang komunidad para sa mga mag-aaral ng Hermosa, nagsagawa ang ating lokal na pamahalaan, sa pangangasiwa ng Hermosa MSWDO, ng programang kumokondena sa Bullying na “Be a Buddy, Not a Bully,” na ginanap sa Marglo’s Private Resort sa Bayan ng Abucay.
Sa programang ito kung saan dumalo ang 75 na mag-aaral mula sa ating bayan, nagbahagi ng kaalaman ang Resource Speaker na si Bb. Marites Chavez, RSW ukol sa dahilan, epekto, at mga maaaring gawin upang maiwasan ang bullying sa isang komunidad gaya ng paaralan.
Maraming salamat, Hermosa MSWDO sa pangunguna ni MSWDO Head Chasmalin Francisco, maging kina Konsehal Jayson Enriquez at Bb. Jinkee Alonzo na sumuporta sa isang makabuluhang programa na ito para sa kapakanan ng mga mag-aaral ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/18QEpvQHQF/