Skip to main content

BAYAN NG HERMOSA PINARANGALAN SA IKA-9TH CENTRAL LUZON EXCELLENCE AWARD FOR HEALTH

December 01, 2023 – San Fernando, Pampanga

Personal na tinanggap ng inyong lingkod kasama ang ating Municipal Health Officer Dr. Jose Bizmarck Abad ang parangal para sa ating bayan sa ginanap na Central Luzon 9th Excellence Awards For Health 2023 sa Kingsborough International Convention Center, San Fernando, Pampanga.
Ang parangal na ito ay naglalayong bigyang pugay ang kahusayan at tagumpay ng ating lokal na pamahalaan pagdating sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa Larangan ng Kalusugan.
Nakasama rin natin sina DOH Undersecretary Dr. Enrique Tayag, Director IV; Dr. Corazon Flores; at Licensing Officer V Dr. Juliana Reyes.
Maraming salamat po sa parangal na ito!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa